Sunday, November 16, 2008






PANDARAHAS NG NPA, PATULOY!

Dalawang power transmission towers sa Bukidnon ang binomba ng mga terorista bandang hatinggabi noong Linggo(Nov 2, 2008). Ang pagsabog ay sumira sa National Transmission Corp. Transco’s pylons 231 at 222 na nasa Barangay Panadtalan, Maramag, Bukidnon. Sa kabutihang palad, hindi nakaapekto ang pananabotahe sa serbisyo ng kuryente sa nasabing pook. Ayon sa mga awtoridad, ang pagsalakay ay bahagi ng pandarahas at extortion raket ng mga NPA sa TRANSCO Management na nagdadala ng kuryente mula sa mga powerplants patungo sa mga commercial distributors.


Sa iba pang kaganapan, sinunog ng mga NPA noong nakaraang Huwebes(Oct 31, 2008) ng hapon ang isa na namang GLOBE cell site sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa ulat, umatake ang may 12 NPA bandang alas 5:30 ng hapon sa cell site na nasa Sitio Butunan, Burdeos Town sa Polilio Island. Dinis-armahan ng mga NPA ang guwardiyang si Erwin Asana, 33 anyos at binuhusan ng gasolina ang nasabing pasilidad. Ang mga cell site ng Globe ay tinatarget ng mga NPA at sinusunog/ binubomba dahil sa pagtanggi ng kumpanya na magbayad ng KOTONG FEE sa mga NPA.


Ang patuloy na karahasang inihahasik ng mga Teroristang NPA sa mga pasilidad sa komunikasyon at kuryente ay tahasang pagyurak sa karapatan ng mamamayan na makaranas ng maayos na paraan ng pamumuhay. Ang kuryente at komunikasyon ay isang nang pangangailangan sa ating kapanahunan at ang patuloy na pananabotahe sa mga service providers na ito ay hayagang pagkakait sa sambayanan na matamasa ang isang maayos na buhay na dulot ng makabagong teknolohiya. Kanino kung gayun naglilingkod ang mga NPA? Malinaw--- sa kinakalawang nilang ideyolohiya at sa pansariling interes ng kanilang mga pinuno na nagpapasarap sa ibang bansa